kumusta naman kaya ang bagong taon?
aysus.
kahapon papuntang opisina, sumabay ako sa car ni ate janet kasi libre na ang pamasahe at wala akong car. 'yun yon eh. sumama ako kahit na kasama rin nila yung ex-bf ng ate gem ko at yung pesteng tatay nung ex-bf ng ate gem ko.
gusto ko lang malaman kung sya ba talaga tatay nung mga anak nya. kasi kung pumutak sya, para syang babae - babaeng pakialamera at tsismosa.
punyeta. nagjeep na lang sana ako.
nung martes naman, nakasakay ako sa bus galing Maynila. hanep sa amoy sa loob ng bus - balot, mani, suka at suka. OMG! at parang hindi pa talaga kumpleto ang malas ko, may lalaking lumipat sa bus namin kasi yung pesteng bus nila ay nasiraan. may dala syang dalawang kahon na may lamang tig-isang manok. pansabong ata. gusto ba naman isuksuk sa may paa ko yung mga kahon! ano ako "cock cuddler"? matalo sana sa sabong mga manok nya!
at sabi nang nagjeep na lang sana ako.
ay isa. nung isang gabi pauwi, may nakasakay akong magkasintahan. kulang na lang dilaan nung babae yung tenga nung boyfren nya! tingin ko nagbubulungan sila ng malalaswang salita sa isa't isa. Yucks.
syet. nasa jeep ako nun.
No comments:
Post a Comment